^

Police Metro

Tindero, binoga sa ulo, patay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang  18-anyos na ambulant vendor nang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Mary Chiles Hospital  ang biktimang si Jimmy Rodriguez, residente ng  Fraternal St. Quiapo, Maynila dahil sa tinamong bala sa ulo.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa panulukan ng Arlegui at De Alba Sts.,  Quiapo.

Naghahanda nang umuwi ang biktima mula sa maghapong pagtitinda nang barilin ito ng hindi pa kilalang suspek na armado ng di pa batid na kalibre ng baril.

Malapitang binaril habang nakapokus ang tingin ng biktima sa kaniyang pedicab na ginagamit sa pagtitinda. Inaalam pa ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek at motibo sa krimen.

 

vuukle comment

ARLEGUI

DE ALBA STS

FRATERNAL ST. QUIAPO

INAALAM

JIMMY RODRIGUEZ

JOSEPH KABIGTING

MALAPITANG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY CHILES HOSPITAL

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with