^

Police Metro

Lola todas sa bumulusok na bus

Joy Cantos, Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 60-anyos na lola ang nasawi matapos na salpukin ng Victory Liner Bus habang naglalakad  bago nahulog ito sa bangin na ikinasugat ng mahigit 42 pasahero nanaganap kamakalawa sa bahaging zig-zag road ng Sitio Libas, Barangay Old Cabalan, Olongapo City, Zambales.

Ang nasawi ay kinilalang si Guadalupe Torres Walteis, ng L13, B7, Maligaya Village, Calapandayan, Subic, Zambales.

Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon habang bumabagtas ang Victory Liner Bus (CWX-666) na minamaneho ni Alan Bustos, 42, ng Lubao, Pampanga nang mawalan ito ng preno at nabangga ang lola na kasalukuyang naglalakad bago ito sumalpok sa riprap at barandilya sa tabi ng highway hanggang sa tuluyang bumulusok sa bangin na ikinasugat ng 42 sakay nito.

Agad namang sumaklolo ang rescue team at isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Napag-alaman na walo sa mga nasugatang pasahero ay kinakailangan na sumailalim sa operasyon makaraang magtamo ng bali ng mga buto.

Nakahanda naman ang tanggapan ng  Victory Liner sa pamamagitan ng branch manager Pocholo Galian na sagutin ang lahat ng gastusing medikal ng mga biktima.

vuukle comment

ALAN BUSTOS

BARANGAY OLD CABALAN

GUADALUPE TORRES WALTEIS

MALIGAYA VILLAGE

OLONGAPO CITY

POCHOLO GALIAN

SITIO LIBAS

VICTORY LINER

VICTORY LINER BUS

ZAMBALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with