^

Police Metro

Pamilya ni Gloria pinayagan sa VMMC

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinayagan ng Sandiganbayan First Division si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makapiling ang kanyang pamilya sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon sa Ve­terans Memorial Medical Center (VMMC).

Ayon sa korte, ang mga kaanak ni Arroyo ay maaari nang manatili sa kuwato nito sa VMMC simula December 24 at December 31.

Nauna nang tumanggi ang Sandiganbayan sa dating petisyon para payagan ang mga Arroyo na mag-stay sa ospital kapag holidays.

Magugunita na kamakailan ay nilimitahan ng pulisya ang vi­siting hours kaya hindi na makapag-overnight sa ospital ang asawa nitong si Atty. Mike Arroyo.

Nilinaw naman ni Atty. Raul Lambino na hindi kasama sa kanilang mosyon ang Christmas furlough na isinulong ng ilang mambabatas para makauwi ang kanyang kliyente sa bahay nito sa Pampanga at doon sana makapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

MEMORIAL MEDICAL CENTER

MIKE ARROYO

PAMPANGA REP

PASKO

RAUL LAMBINO

SANDIGANBAYAN FIRST DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with