^

Police Metro

Vendor nag-amok, 1 dedo, 5 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa ang dedo at lima pa ang sugatan kabilang ang tatlong taong gulang na bata, matapos mag-amok ang isang vendor at pagsasaksakin ang mga biktima habang sila ay natutulog sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Si Virgilio Himagan, 25 ay agad na nasawi dahil sa dami ng tinamong saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan habang sugatan naman sina Romeo Aclo, 22; Victorio Quiaon, 19; Richard Mabasa, 25; Raymond Villanueva, 20; at John Anthony Labastida, 3.

Pinaghahanap naman ang suspek na nakilala lamang sa pangalang “Romulo”, isang mani vendor,  na mabilis na tumakas matapos mag-amok.

Sa ulat ni PO2 Roldan Cornejo, nabatid na ang insidente ay naganap sa tinutuluyan ng mga biktima sa #13 Don Julio Gregorio St., Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City, ganap na alas-5:00 ng madaling araw.

Ayon kay Melfa Navida, nagising umano siya dahil sa narinig na iyak at nang kanyang tingnan ay nakita umano niya ang suspek na inuundayan ng saksak ang mga biktima.

Pati ang batang si Labastida ay hindi pinatawad ng suspek na hinampas umano ng bentilador sa kanyang ulo, bago mabilis na tumakas.

Hindi pa alam ng mga awtoridad ang dahilan ng pag-amok ng suspek na siyang subject ngayon sa kanilang ginagawang imbestigasyon.

vuukle comment

DON JULIO GREGORIO ST.

JOHN ANTHONY LABASTIDA

MELFA NAVIDA

QUEZON CITY

RAYMOND VILLANUEVA

RICHARD MABASA

ROLDAN CORNEJO

ROMEO ACLO

SI VIRGILIO HIMAGAN

VICTORIO QUIAON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with