^

Police Metro

Engineer nagpatiwakal

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpatiwakal ang isang 47-anyos na Engineer sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kaniyang bahay, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Wilfred Yason Y Samaniego, may-asawa at residente ng no. 1617 Craig St., Sampaloc, May­nila.

Sa blotter ng Manila Police District-Homicide Section, nagtungo si PO3 Lester Evangelista sa nasabing address upang imbestigahan ang insiden­te ng pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbi­bigti subalit nakiusap at nagbigay ng written wai­ver ang anak ng biktima na si Mischa Yason, 23-anyos, na huwag nang imbestigahan ang insidente dahil simpleng pagpapakamatay lamang umano ang nagyari at wa­lang foul play.

Nabatid na dakong alas-3:55 ng hapon nang madiskubre ng anak na nakabitin na ang walang buhay na ama sa loob ng kanilang bahay sa nasabing address.

Hindi na idinetalye sa blotter at wala ring spot report ang insidente, ayon sa non-uniformed personnel ng Homicide division ng MPD.

 

vuukle comment

CRAIG ST.

KINILALA

LESTER EVANGELISTA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MISCHA YASON

NABATID

NAGPATIWAKAL

WILFRED YASON Y SAMANIEGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with