^

Police Metro

PNoy, tiniyak na may mananagot sa PDAF scam

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Pangulong Benigno Aquino III sa taumbayan na may makakasuhan at mananagot sa pork barrel scam kaya nais nilang magkaroon ng matibay na ebidensiya bago isampa ang kaso sa mga nasasangkot sa anomalya.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Abigail Valte, matibay ang paninindigan ng administrasyong Aquino na kailangang magkaroon ng hustisya dahil sa hindi tamang paggamit ng pondo ng bayan partikular ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas na nauwi lamang umano sa mga pekeng NGO’s ni Janet Lim-Napoles.

Wika pa ni Usec. Valte, ang utos ni Pangulong Aquino sa Department of Justice (DOJ) ay dapat may matibay na ebidensiya bago isampa ang kaso sa isang indibidwal upang tumayo ang kaso at magkaroon ng conviction.

Aniya, walang ibinigay na timeline si Pangulong Aquino sa probe team sa pork barrel pero iginiit nitong dapat maging prayoridad ang nasabing kaso.

Magugunita na sumuko mismo sa Pangulo si Napoles at ngayon ay nakakulong sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.

Ginawa ng Malacañang ang paniniguro sa gitna ng nakatakdang mga protesta ng mamamayan laban sa pork barrel na nabunyag na nauwi lamang sa pekeng NGO’s ni Napoles.

vuukle comment

ANIYA

AQUINO

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESMAN ABIGAIL VALTE

FORT STO

JANET LIM-NAPOLES

NAPOLES

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with