^

Police Metro

Rider pisak ang ulo sa bus

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi nakatulong ang suot na  crash helmet  ng isang motorcycle rider matapos na siya ay magulungan ng isang pampasaherong bus na nakasagi sa kanya kahapon ng umaga sa  Roxas Boulevard, Pasay City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Reynaldo Inoc, 24-anyos, ng 3710 Mabini St., Don Galo, Parañaque City.

Ang suspek na nasa kustodya ng pulisya ay nakilalang si Federico Bartolome Jr., 50-anyos, driver ng Malanday Metro Link Bus (TWR-315) na kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.

Batay sa ulat, dakong alas-7:20 ng umaga sa ka­habaan ng Roxas Boulevard ay tinangka umanong mag-overtake ni Inoc lu­lan ng hindi nailarawang motorsiklo nang biglang kumabig umano ang bus at nasagi ang biktima.

Pumailalim ang bikti­ma at nagulungan ang ulo sanhi ng kanyang agad na pagkasawi. 

Depensa naman ni Bartolome, hindi umano niya nasagi ang motor ni Inoc, mag-isang sumemplang kaya ito tumilapon at mapailalim sa bus.

vuukle comment

DON GALO

FEDERICO BARTOLOME JR.

INOC

MABINI ST.

MALANDAY METRO LINK BUS

PASAY CITY

REYNALDO INOC

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with