^

Police Metro

Mister inutas sa harap ng simbahan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa mismong harapan ng simbahan pinagbabaril ng nakamotorsiklong suspek ang isang 34-anyos na lalaki na naganap kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Trento, Agusan del Sur.

Ang biktima ay naki­lalang si Anastacio Espiel, nakatira sa Brgy. Sta. Maria ng naturang bayan.

Base sa imbestigas­yon, bandang alas- 6:30 ng umaga habang nakatayo sa harapan ng isang simbahang Katoliko ang biktima nang biglang sumulpot ang mga suspek na magkaangkas sa kulay pulang motorsiklong Honda TMX na hindi nakuha ang plaka at pinagbabaril ang biktima.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Sitio Isa­daon, Trento ng lalawigang ito.

Narekober sa crime scene ng pulisya ang tatlong cartridge na pinag­lag­yan ng mga bala.

 

vuukle comment

AGUSAN

ANASTACIO ESPIEL

BRGY

KATOLIKO

MABILIS

NAREKOBER

SHY

SITIO ISA

TRENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with