^

Police Metro

Isyu ng rape ‘wag gawing joke – Solons

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Umapela sina Gabriela party-list Reps. Luz Ilagan at Emmi De Jesus na ‘wag gamiting biro ang isyu ng rape sa pagpapatawa.

Ito ang reaksyon ng dalawang lady solons sa naging joke ni Vice Ganda sa mga biktima ng rape sa kanyang concert kamakailan sa Araneta Coliseum na umani ng batikos sa mga netizens.

Nakiusap ang mga ito sa media na gamitin sa tamang paraan ang impluwensya laban sa karahasan sa mga kababaihan dahil ang rape joke ni Vice Ganda ay sumasalamin sa may malalim na problema sa
bansa at kung paano itinuturing ng ilan ang rape at karahasan sa mga kababaihan at kabataan.

Kaya’t muling iginiit ng mga kongresista na hindi dapat gamitin ang isyu ng rape sa anumang pagbibiro at sa halip ay ma­ging maingat at sensitibo ang lahat lalo na at mabigat ang traumang dulot
nito sa mga biktima at kanilang pamilya.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

EMMI DE JESUS

GABRIELA

KAYA

LUZ ILAGAN

NAKIUSAP

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with