^

Police Metro

Political leader ng Antipolo City mayor, itinumba

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Mismong sa loob ng kanyang bahay pinaslang ang isang political leader ni incumbent Rizal, Antipolo City Mayor Nilo Leyble makaraang barilin sa muk­ha ng isang hindi pa nakiki­la­lang suspek kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.

Kinilala ang nasawi na si Rina Gabuna Junio, 50-anyos, Antipolo City An­nex 3 Officer-In-Charge na nagtamo ng isang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa kanang mata at nalagutan ng hini­nga habang nilalapatan ng lunas sa Antipolo District Hospital.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi nang pa­sukin ng hindi naki­lalang suspek si Junio sa kan­yang bahay sa Cogeo Gate 2, Padilla, ng naturang lungsod at agad na binaril.

 Ayon sa anak ng bikti­ma na si Elijah Job Junio, nasa kapitbahay siya nang makarinig ng  isang putok ng baril at may nagsabi sa kanya na binaril ang ina. 

Nang puntahan niya ang bahay ay nakita niya ang ina na duguang nakalugmok sa sala.

Nabatid na si Junio ang ikatlo na umano’y lider ni Mayor Leyble na napa­paslang mula nang mag-um­pisa ang kampanya. 

Unang napaslang sina Dick Taneo na binaril ha­­bang nagpapatugtog ng campaign jingle at An­ge­lito San Pablo na bina­ril habang nagsasalita sa isang “post election rally”.

Nabatid na tinalo ni out­going Rizal Governor Junjun Ynares sa pagka-alkalde ng Antipolo City si Leyble na nagsampa naman ng “election protest” sa Com­mission on Elections (Comelec) dahil sa akusas­yon ng pandaraya.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY AN

ANTIPOLO CITY MAYOR NILO LEYBLE

ANTIPOLO DISTRICT HOSPITAL

COGEO GATE

DICK TANEO

ELIJAH JOB JUNIO

JUNIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with