^

Police Metro

Nanonood ng search for feeling pogi… 13-anyos nakuryente, todas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang isang 13-­anyos na binatilyo ha­bang sugatan naman isinugod sa pagamutan ang kan­yang kaibigan makaraang makuryente habang masayang nanonood ng “Search for Feeling Pogi 2013” sa kanilang lugar sa  Parola Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na naisalba sa Gat Andres Bonifacio Hos­pital ang biktimang si John Quel, 13 anyos,  residente ng #17 Parola Compund, Tondo, Maynila.

Habang inoobserbahan pa sa nasabing pagamutan  ang isa pang biktima na si JL Mark Zabala, 11 anyos, residente ng Gate 17,  Parola Compound, Tondo.

Sa ulat ni SPO3 Glen­zor Vallejo, ng Manila Po­lice District Homicide Section, dakong alas-11:25 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa  nabanggit na lugar.

Habang rumarampa na umano ang mga contestants nang biglang tumumba si Quel sa sementadong kalsada kaya sa pagkabigla ni Zabala na katabi niya  ay tinulungan niya ito subalit siya man ay nakuryente.

Mabilis namang isi­nugod sa nabanggit na hospital ang dalawang bik­ti­ma pero nasawi rin si Quel makalipas ang ilang minuto.

Ang patimpalak ay inor­ganisa umano ng Rivas Gay Club na nakipag-ug­na­yan sa mga pamilya ng mga biktima para sa pagpapagamot at pagpapalibing sa dalawa.

vuukle comment

DISTRICT HOMICIDE SECTION

FEELING POGI

GAT ANDRES BONIFACIO HOS

HABANG

JOHN QUEL

MANILA PO

MARK ZABALA

PAROLA COMPOUND

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with