Bahay ni ex-president Quezon, ililipat sa circle
MANILA, Philippines - Magsisilbing tourist attraction sa mga susunod na araw sa Quezon City Circle dahil ililipat na sa loob ng 26-ektaryang lupa sa loob ng QC Circle ang makasaysayang 500-square meter old house ni dating President Manuel Luis Quezon na magmumula sa Gilmore Avenue sa lungsod.
Ayon kay Mayor Herbert Bautista, sa isang open space sa QCMC ililipat ang lumang bahay ni Quezon bilang bahagi ng pagpreserba ng lokal na pamahalaan sa historical heritage ng dating Pangulo ng bansa. Sa kasalukuyan anya ay may ilan pang ginagawa para sa reconstruction at relocation ng Quezon-Avanceña house na nakatakdang buksan sa publiko sa gagawing pagdiriwang ng ika 75th founding anniversary ng Quezon City sa Oktubre sa susunod na taon.
- Latest



















