^

Police Metro

Most wanted hindi nagpahuli nang buhay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang lalaki na ika-9 sa talaan na most wan­ted sa Metro Manila ang napatay matapos itong lumaban nang isisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya na naganap kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang suspek na namatay sa ospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Michael Ignacio “alyas Bulag”, ng Plapla St., Dagat-Dagatan ng naturang  lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang salakayin ng mga otoridad ang bahay upang isilbi ang warrant of arrest sa mga kasong murder, robbery hold-up at droga.

Sa pagpasok ng mga pulis ay agad na sila ay pinagbabaril ng suspek na kung saan ay tinamaan ang isang pulis sa  dibdib na hindi tumagos dahil sa suot nitong bullet proof vest.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek at narekober ang isang kalibre .45, dalawang .38 at isang apple type grenade.

Inaresto rin ang misis nitong si Maria Magdalen, 19 matapos makuhanan sa dalang pouch ang 8 sachet ng shabu.

 

vuukle comment

BATAY

BULAG

CALOOCAN CITY

DAGAT-DAGATAN

GUMANTI

MARIA MAGDALEN

METRO MANILA

MICHAEL IGNACIO

PLAPLA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with