^

Police Metro

Hostage taker patay sa tangkang paghalay sa babaing bihag

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang lalaking hostage taker ang pinagbabaril at na­patay ng mga pulis nang tangkaing halayin ang bihag nitong babae ka­ma­kalawa sa Pasay City.

Ang suspek na nasawi noon din dahil sa anim na tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Manolo Gon­zales.

Nasugatan at gina­ga­mot sa Manila Adven­tist Medical Center ang bi­ni­hag at tang­kang ga­ha­sain nitong si Joan Olmoguis Limit, 33-anyos, residente ng Brgy. 23 Zone 2, Pasay at barangay tanod na si Joselito Angeles na si­nak­sak ng suspek.

Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon ay nag­papatrulya ang mga pulis na sina PO2s Leo Chavez at Pellevello Geremy nang mapansin ang patalim na bitbit ng suspek sa kanto ng Gil Puyat Avenue at FB Harrison Street.

Sinita ng dalawang pulis ang suspek, subalit nag­ta­takbo ito kaya’t hi­nabol ng mga una na kung saan ay hu­marang ang biktimang si Angeles kaya’t sinaksak ng suspek sa braso. 

Pinasok naman ng sus­pek ang bahay ni Limit at bi­nihag ito na kung saan ay nakipagnegosasyon ang mga otoridad para sa paya­pang pagsuko ng una na nag­matigas naman.

Napilitan ang mga pulis na pasukin ang bahay nang magsisigaw ng saklolo ang babae at inabutan na hubo’t hubad ang biktima na pinatungan ng suspek para halayin kaya’t nagdesisyon ang mga pulis na barilin ito.

 

vuukle comment

GIL PUYAT AVENUE

HARRISON STREET

JOAN OLMOGUIS LIMIT

JOSELITO ANGELES

LEO CHAVEZ

MANILA ADVEN

MANOLO GON

MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with