^

Police Metro

Mag-asawa, 2 anak inutas ng baliw

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagtataga hanggang sa mapatay ang apat na miyembro ng isang pamilya ng kanilang kapitbahay na baliw naganap sa Brgy. Poblacion, Pio Corpus, Masbate kahapon.

Ang mga nasawing biktima ay ang mag-asawang Jimmy at Elena Dublin; mga anak nilang sina Jason, 13 at Gerald, 9 na pawang nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng pamilya ng isa nilang kapitbahay sa Sitio Malamag, Brgy. Poblacion ng nasabing lalawigan.

Nagawang makaligtas ang dalawang anak ng mag-asawa na sina Jenelyn, 11 at John-John matapos ang mga itong lumusot sa dingding ng kanilang kubo at  siyang nagturo sa suspek na si Buenacio Lalacan  na mabilis na tumakas nang maisagawa ang krimen.

Halos na-trauma ang dalawang nakaligtas na bata nang masaksihan mismo ang pananaga sa kanilang mga magulang at dalawang kapatid matapos silang maalimpungatan sa kalabugan sa loob ng kanilang kubo na pinasok ng salarin.

Hindi pa matukoy ang motibo ng krimen maliban sa ang suspek ay may diperensiya umano sa pag-iisip.

vuukle comment

BATAY

BRGY

BUENACIO LALACAN

ELENA DUBLIN

JENELYN

JOHN-JOHN

MASBATE

NAGAWANG

PIO CORPUS

SITIO MALAMAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with