^

Police Metro

Puno sinalpok ng multicab: 2 dedo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang puno sa tabi ng highway ang sinalpok ng isang multicab na ikinasawi ng dalawang katao at pagkasugat ng isang barangay chairman kamakalawa sa highway ng Brgy. Campo, San Francisco, Camotes Island, Cebu.

Namatay noon din ang mga biktima na sina Maximo Miao at Renie Nudalo; Habang kritikal sa Ricardo Manigo District Hospital si Ramon Rocacurva, brgy. chairman sa Western Pob­lacion ng bayang nabanggit.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:00 ng hapon ay kasalukuyang minamaneho ni Rocacurva ang multicab (SJK-77) na pag-aari ng lokal na pamahalaan nang aksidente itong bumangga sa puno ng Gemelina sa tabi ng highway.

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon sa behi­kulo ang mga biktima kung saan agarang binawian ng buhay ang da­lawa.

Ayon sa pulisya na nasa im­pluwensiya ng alak si Rocacurva habang ito ay nagmama­ne­ho na naging dahilan ng ak­sidente.

 

 

vuukle comment

AYON

CAMOTES ISLAND

MAXIMO MIAO

RAMON ROCACURVA

RENIE NUDALO

RICARDO MANIGO DISTRICT HOSPITAL

ROCACURVA

SAN FRANCISCO

SHY

WESTERN POB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with