^

Police Metro

Mister kulong sa pagpilit sa misis na mag-sex

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 56-anyos na mis­ter ang ipinakulong ng sariling misis matapos umanong puwersahin nito ang huli na sila ay magtalik kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang suspek na nahaharap sa kasong sexual violence ay nakilalang si Ricardo Balibao, ng 6th Avenue ng naturang lungsod.

Batay sa ulat ng pulis­ya, dakong alas-10:00 ng gabi, nang pilitin umano ng suspek ang misis na si Arlene, 49 na sila’y mag­talik.

Labag man sa kagustuhan ni Arlene ay nakuha pa rin ng mister ang gusto nito kung kaya’t matapos na makaraos ang mister ay agad na bu­mangon ang una at nagtungo sa barangay hall at inireklamo ang mister at ipinaaresto.

Walang nagawa ang mister kung hindi su­ma­­ma sa presinto at na­sampahan ng kaso.

vuukle comment

ARLENE

BATAY

CALOOCAN CITY

ISANG

LABAG

MISTER

RICARDO BALIBAO

SHY

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with