^

Police Metro

Sa naudlot na deportasyon ng Aman boss PH Embassy sa Malaysia pinasasagot

Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Nais ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magpaliwanag ang Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, Malaysia hinggil sa pagkakabalam sa deportasyon ng itinuturong utak ng multi-billion investment scam na si Manuel Amalilio.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokeman Raul Hernandez inatasan na ng DFA ang Embahada sa Malaysia na alamin ang dahilan ng pagkakabalam ng deportasyon ni Amalilio na nasa kustodya ng Malaysian Royal Police matapos na pigilin ito sa pagsakay sa eroplano pauwi sa Pilipinas noong Biyernes ng gabi dahil sa isyu ng teknikalidad.

Unang kinumpirma ni Ambassador Ed Malaya na isang Filipino citizen si Amalilio at may hawak na Phi­lippine passport.

Si Amalilio ay naaresto ng Malaysian authorities sa Kota Kinabalu dahil sa paggamit o pagtataglay umano ng “fraudelent passport at documents” matapos na pumuslit pa-Malaysia noong nakalipas na taon nang sampahan ng kasong syndicated estafa ng libu-libong investors ng pinatatakbo nitong kumpanyang Aman Futures Group Philippines Inc.

 

AMALILIO

AMAN FUTURES GROUP PHILIPPINES INC

AMBASSADOR ED MALAYA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

FOREIGN AFFAIRS SPOKEMAN RAUL HERNANDEZ

KOTA KINABALU

KUALA LUMPUR

MALAYSIAN ROYAL POLICE

MANUEL AMALILIO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with