^

Police Metro

Maiingay mag-inuman pinagbabaril: 1 utas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lasing na lalaki ang nasawi nang pagba­barilin ito ng hindi pakilalang mga suspek na umano ay naingayan sa pag-iinuman nila sa kalye kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Ariel Gerardo, ng no. 163 Apple Street, Purok 9, Sampaloc Site II, Brgy. BF Homes, ng lungsod.

Lumalabas sa imbes­tigasyon, dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay maingay na nag-iinu­man ang biktima kasama ang grupo nito kung ka­ya’t bi­nulyawan sila ng mga residente.

Papauwi na sana ang biktima nang biglang lusubin ang kanilang inuman ng mga galit na lalaki at su­miklab ang kaguluhan at umalingawngaw ang ilang putok ng baril na kung saan ay duguang bumagsak ang biktima.

Patuloy ang imbesti­gas­­yon ng pulisya sa mga suspek na lumusob at na­maril.

vuukle comment

APPLE STREET

ARIEL GERARDO

BRGY

ISANG

LUMALABAS

PAPAUWI

SAMPALOC SITE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with