^

Police Metro

4 SK officials sa Bulacan, inireklamo sa Ombudsman

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na kasalukuyan at dating opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Fatima V, San Jose del Monte, Bulacan, ang sinampahan ng reklamo sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y iregularidad sa procurement at pamamahagi ng educational assistance na aabot sa P605,208 na pondo.

Batay sa reklamong inihain ng Barangay Advocates and Network of Taxpayers and Accountable Youth (BANTAY), na tumutukoy sa Audit Observation Memorandum ng Commission on Audit (COA) na may petsang Oktubre 14, 2024, may mga gastusing umano’y kulang sa kinakailangang dokumento.

Kabilang sa kinukuwestiyon ang P188,500 na educational assistance para sa 118 estudyante dahil hindi umano sapat ang mga dokumentong naipasa upang mapatunayan ang pagkakakilanlan at pagiging kuwalipikado ng mga benepisyaryo, na nagbunsod ng mga tanong tungkol sa umano’y “ghost scholars.”

Kinukuwestiyon din ang P416,708 mula sa 15 transaksiyon sa procurement dahil sa kakulangan umano ng mahahalagang papeles.

Kabilang dito ang dalawang tsekeng tig-P27,000 na inilabas noong Hulyo 19, 2022 para sa iisang supplier at layuning pagkukumpuni ng covered court, na iniuugnay ng mga nagreklamo sa posibleng contract splitting.

Kabilang sa mga respondent ay sina Atty. Ronalyn B. Pordan; dating SK chairperson; Eliza Donayre; dating SK treasurer; Christian Kyle N. Pallares, kasalukuyang SK chairperson; at Johanna Marie Sia, kasalukuyang SK treasurer.

Hiniling ng mga nagreklamo sa Ombudsman na im­bestigahan ang mga alegasyon, magsampa ng kaukulang kasong kriminal o administratibo kung may sapat na batayan, at panagutin ang mga mapatutunayang responsable sa kinukuwestiyong pondo.

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with