^

Police Metro

P11.9 milyong gastos sa biyahe ng Sandiganbayan, kinuwestiyon ng COA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ng Com­mission on Audit (COA) ang Sandiganbayan dahil sa mga naging gastusin nito na umabot sa P11.9 mil­yong cash advances para sa mga biyahe sa ibang bansa at sa pagdaraos ng mga seminar sa mga mamahaling hotel at resort.

Sakop ng mga cash advance ang mga biyahe sa United States, Australia­, Hungary, United Arab Emi­rates, Singapore, at Qatar.

Ang pinakamalaking­ solong advance na nagkakahalaga ng P2.57 milyon ay para sa apat na Asso­ciate Justice na dumalo sa isang espesyal na kurso ukol sa mga pangunahing kaalaman sa artificial intelligence para sa mga kriminal na legal na propesyonal sa Budapest, Hungary noong Oktubre 13-14, 2025.

Ayon sa COA, walang kalakip na mga letter of invi­tation, fare quotation mula sa tatlong travel agency, at flight itinerary ang mga cash advance.

Nilinaw naman ng San­diganbayan accountant­ sa COA na binigyang-pra­yo­ridad ang kaligtasan ng mga opisyal na naglalakbay sa ibang bansa sa pag-book ng mga tiket, kaya hindi na kinailangan ang airfare quotation at pinili ang mga airline batay sa inaasahang kaligtasan ng mga ito.

Natuklasan din ng COA na ang mga liquidation report para sa P7.16 milyong cash advances ay walang mga kinakailangang narrative report tungkol sa mga biyahe.

Kinuwestiyon din ng COA ang mahigit P600,000 round-trip airfare para sa tatlong Justice patungong Budapest, o mahigit P200,000 bawat isa.

Sa ilalim ng Sandigan­bayan Office Order No. 164-2018, ang mga opisyal na naglalakbay sa ibang bansa ay nararapat lamang sa economy class, maliban sa presiding justice na may karapatan sa business class.

Hindi rin umano matukoy ng COA kung ang pamasahe ay nasa loob ng pinapayagang rate.

Sinasabing ang bawat isa sa tatlong justice ay nag-ulat ng mga gastos na halos­ P700,000, mas mataas kaysa sa kanilang cash advances na humigit-kumulang P644,000.

Inirekomenda ng COA na magsumite ang mga concerned official ng kum­pletong dokumento na nagpapakita ng pinapayagang airfare rate at ng aktwal na binayarang pamasahe sa business class.

Hiningi nito na iakma ang kanilang mga claim at ayusin ang anumang refund o reimbursement sa ilalim ng office order.

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with