^

Police Metro

Donaire, binati ni Pnoy

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Agad na binati kaha­pon ng Pangulong Benigno Aquino III si Nonito Do­naire Jr. sa kanyang panalo at matagumpay na maidepensa ang kanyang WBO superbantamweight belt laban kay Jorge Arce ng Me­xico.

“Sampu ng sambaya­nang Pilipino, buong-karangalan nating binabati si Nonito Donaire, Jr. sa kaniyang matagumpay na pagdepensa sa kaniyang WBO super bantamweight belt sa pamamagitan ng third round Knockout laban kay Jorge Arce ng Mexico,” ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Wika pa ni Sec. Lacier­da, muli na namang ipina­kita ng the Filipino Flash ang kaniyang bilis at husay sa loob ng ring  at ibinandila sa pandaigdigang entablado ang tibay at lakas ng Pilipi­no.

“Sumasalamin ang ta­gumpay na ito sa kakayahan ng lahing kayumanggi na harapin at patumbahin ang anumang pagsubok na ating kakaharapin. Walang suntok na titinag sa atin; walang bigwas na wawasak sa kalooban natin. Anumang pagsubok ay lalo lamang magpapatatag sa kolektibo nating hangad na bigyang-karangalan ang bayan,” giit pa ng tagapagsalita ni Pangulong Aquino.

Pinabagsak ni Donaire sa 3rd round ng kanilang laban si Arce kahapon kaya naidepensa nito ang kanyang WBO bantamweight belt.

vuukle comment

ANUMANG

DONAIRE

FILIPINO FLASH

JORGE ARCE

NONITO DO

NONITO DONAIRE

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with