^

Police Metro

P.4-M reward sa killer ng UPLB coed

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng P400,000.00 reward mo­ney ang  pamahalaan ng lalawigan ng Laguna sa sinumang makapagtuturo para sa ikadarakip ng suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa 19- anyos na estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na si Maria Victoria Reyes noong Lunes sa Biñan City, upang mapabilis ang pag-aresto sa suspek na si Benigno Nayle, 19 ng Brgy. San Vicente ng nasabing lungsod.

Sinabi ni Laguna Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Fausto Manzanilla Jr.  may mga hawak na silang lead sa pinagtataguan ng suspek.

Ang P 400,000 reward ay mula kina Laguna Governor Jorge “ER” Ejercito at Biñan City Mayor Marlyn “Lenlen” Alonte-Naguiat.

Magugunita na si Reyes, 3rd year BS Agriculture student ay nag-iisa sa kanilang bahay ay noong Lunes pasado alas-12:00 ng tanghali ay natagpuang patay ng kanyang ama na   may isang malalim na saksak sa kaliwang dibdib.

Ang suspek na si Nayle na  isang hinihinalang drug addict sa lugar ay itinuro ng dalawang testigo na nakitang tumatalilis sa may gate ng tahanan ng pamilya Reyes ilang minuto bago nadiskubre ang krimen.

vuukle comment

ANG P

BENIGNO NAYLE

CITY MAYOR MARLYN

FAUSTO MANZANILLA JR.

LAGUNA GOVERNOR JORGE

LAGUNA PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

MARIA VICTORIA REYES

REYES

SAN VICENTE

SR. SUPT

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES LOS BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with