^

Police Metro

Dinagit ng adik habang bumibili… UST alumna utas sa 49 saksak

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang dalaga na ba­gong graduate nga­yong taon sa University of Santo Tomas ang sinaksak ng 49 beses at natagpuang patay sa isang kubo nitong bisperas ng Undas sa Ba­coor City, lalawigan ng Cavite.

Ang nasawi ay kinila­lang si Cyrish Magalang, isang alumna ng UST College of Tourism and Hospitality Management.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga nang matagpuang patay ang biktima sa loob ng kubo sa bahagi ng Gawaran Heights, Brgy. Molino 7, ng lungsod.

Ang biktima ay tadtad ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nakagapos ng straw ang mga kamay.

Nakasuot ang biktima ng kulay puting blusa, kulay itim na short pants  at kulay itim na sapatos.

Nabatid na isang magsasaka na kinilalang si Sosimo Castor at Erwin Albar ang nakadiskubre sa bangkay habang sila ay nagdidilig ng kanilang mga pananim na pechay.

Hindi pa batid kung ang biktima ay hinalay dahil sa nakababa na ang short pants nito nang matagpuang naliligo sa dugo.

Hindi pa batid kung mahigit sa dalawa ang suspek na pinaghihinalaang mga adik.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng pulisya na bumibili ng barbecue ang biktima pasado alas-8:00 ng gabi noong Martes sa kanto ng Camella Subdivision nang tangayin ng mga suspek na nakasakay sa tricycle.

Bukod sa mga saksak ay sumabog din ang ulo ng biktima matapos hampasin ng matigas na bagay.

vuukle comment

BATAY

BIKTIMA

BRGY

CAMELLA SUBDIVISION

COLLEGE OF TOURISM AND HOSPITALITY MANAGEMENT

CYRISH MAGALANG

ERWIN ALBAR

GAWARAN HEIGHTS

SOSIMO CASTOR

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with