Krusyal na laban sa Mapua
MANILA, Philippines — Kakapitan ng Mapua University si Roxie Dela Cruz upang masikwat ang mahalagang panalo sa pagharap nila sa San Beda University sa NCAA Season 99 women’s volleyball na lalaruin sa Filoil EcoOil Arena ngayong araw.
Madedesisyunan sa huling laro ng Lady Cardinals kung papasok sila playoff, kailangan nilang manalo upang makigulo sa No. 4 spot na kasalukyang hawak ng Perpetual Help Lady Altas.
Nasa pang-apat ng team standings ang Perpetual Help na may 5-4 card habang magkasalo sa No. 5 ang Mapua at Arellano University Lady Chiefs na may tig 5-3 records.
Kaya posibleng magkaroon ng three-way tie sa fourth pagkatapos ng laro ngayong araw.
Bandang alas-10 ng umaga magsisimula ang bakbakan ng Lady Cardinals at wala ng pag-asang Lady Red Spikers, (3-5), sunod ang banatan sa pagitan ng Arellano Lady Chiefs at laglag na rin na Jose Rizal Lady Bombers sa alas-2 ng hapon.
- Latest