^

PM Sports

Blackwater binurdahan ang TNT Tropang Giga

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wala pa ring galos ang bagong-bihis na Blackwater.

Sa ikalawang sunod na sabak ay wagi uli ang Bossing at sa pagkakataong ito ay ang TNT Tropang Giga ang hindi nila pinaporma, 87-76, para ma­panatiling malinis na kar­tada sa 2024 PBA Phi­lippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Naglista ng 20 points si Troy Rosario para bumandera sa Blackwater na nasolo ang liderato sa 2-0 kartada.

Unang kinaldag ng Blackwater ang NLEX, 96-93, sa likod ng 27 points at career-high na 10 assists ni Rey Nambatac na nakuha nila sa Rain or Shine.

Limitado lang ang na­ging aksyon ni Nambatac ngayon pero nakakuha ng solidong suporta si coach Jeff Cariaso kay RK Ilagan na humakot ng 15 points, 7 rebounds at 8 assists.

May 13 points din si No. 2 overall pick Christian David, habang nag-ambag ng tig-9 markers sina James Kwekuteye at Bradwyn Guinto.

Lumamang ng 20 puntos ang Blackwater at hindi na pinaporma ang TNT pa buhat noon upang bigyan ito ng una nitong ka­biguan sa dalawang sa­lang.

 

vuukle comment

BLACKWATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with