^

PM Sports

Chot malaki ang ambag sa Gilas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maayos na ang prog­rama ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa Gilas Pilipinas kaya’t maganda ang takbo nito.

Kasalukuyang hawak ni veteran mentor Tim Cone ang Gilas program.

Subalit hindi kinukuha ni Cone ang lahat ng credit.

Binigyan nito ng pasasalamat si dating Gilas head coach Chot Reyes na nagbuhos din ng sakripis­yo para mapaganda ang estado ng national team.

Kabilang na rito ang pagtatanim ni Reyes sa isipan ng bawat player ng Gilas na kaya nilang makipagsabayan sa mga world-class players.

Isa sa mga patunay nito ang magandang resulta ng kampanya ng Gilas noong 2014 FIBA World Cup sa Seville, Spain kung saan ilang teams ang pinahirapan nito gaya ng Argentina, Croatia, Greece at Puerto Rico.

“I feel like Chot Reyes gave us the feel that we could play with these guys. He did it in 2014, when we stayed close against Argentina all the way to the last minute, and just lost the games. But he proved to us we can play with these guys,” ani Cone.

Nasaksihan ito ni Cone.

Sa katunayan, bahagi si Cone ng coaching staff ng Gilas na naglaro sa 2023 FIBA World Cup noong hawak pa ni Reyes ang koponan.

“It’s the same with the World Cup in 2023. We were there with the Domi­nican Republic. That Gilas group gave us an idea that yeah, we can compete with these teams.  We just gotta figure out a way, get over the hump,” ani Cone.

Ito ang parehong mentalidad na ibibigay ni Cone sa Gilas lalo pa’t muling mapapalaban ang tropa sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo sa Riga, Latvia.

vuukle comment

CHOT REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with