^

PM Sports

Cone ‘di kuntento sa ipinakita ng Gilas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi kuntento si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa inilaro ng kanyang mga bataan, par­tikular na sa unang ba­hagi ng laro kontra sa Hong Kong noong Huwebes ng gabi sa Tsuen Wan Sta­dium.

Matikas na tinapos ng Gilas Pilipinas ang Hong Kong sa bisa ng 94-64 demolisyon sa kanilang unang asignatura sa FIBA Asia Cup Qualifiers 2025.

Subait hindi ito naging madali para sa Gilas Pili­pi­nas sa umpisa ng laro.

Lumamang ng 11 puntos ang Gilas Pilipinas subalit nakabalik sa por­ma ang Hong Kong para maidikit ang iskor.

“We didn’t play as well as we hoped. The first half was certainly sha­ky, just first game jitters, I hope,” ani Cone.

Hawak lamang ng Gilas Pilipinas ang 41-37 ka­lamangan sa halftime.

Subalit lumabas na ang bangis ng Gilas Pili­pinas sa third quarter nang magpasabog ito ng ka­liwa’t kanang atake sa li­kod ng matikas na laro nina Scottie Thompson at Kai Sotto.

Si Thompason ang nagmando sa plays, habang hawak naman ni Sotto ang rebounding department.

Nagpasiklab din sina Justin Brownlee, Dwight Ramos at Jamie Malon­zo nang ilatag ng tropa ang 30-9 ratsada na na­ging mitsa para tuluyang patumbahin ang Hong Kong.

“The third quarter was more on what we expec­ted. We were able to create offense off our defense and then our crowd took over and gave us momentum,” ani Cone.

Umaasa si Cone na first game jitters lamang ito at magandang lesson para sa kanilang mga su­sunod na laban.

“The win was a baby step for us, we hope to be much better in the future,” ani Cone.

vuukle comment

TIM CONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with