^

PM Sports

Labanan ng 7-footers

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Napanood ba ninyo ang laban ng San Antonio Spurs at Oklahoma City Thunder noong Nov. 15 (Nov. 16 Manila Time) tampok ang mga top draft picks na sina Victor Wembanyama at Chet Holmgren?

Marami ang tumutok sa unang paghaharap ng 7’5 Spurs top pick na si Wembanyama at ng 7’1 Thunder second pick na si Holmgren.

Kung nakita n’yo ang jumpball nilang dalawa, hindi mo gugustuhing pumagitna dahil talaga namang manliliit ka.

Dahil nga first time na paghaharap ito ng mga NBA top-two draft picks, mataas ang expectation, pero maraming nabigong makita ang pasabog ng dalawang rookies na ito.

Nakita sa larong ito na hilaw pa talaga ang dalawa dahil 8 points lang si Wembanyama at 9 points si Holmgren (pinagsamang 7-of-25 shooting) at nasapawan sila pareho ni Shai Gilgeous-Alexander na tumapos ng 28 points na sinegundahan ni Josh Giddy ng 18 points para tambakan ng Oklahoma ang San Antonio, 123-87.

Sa dalawang ito, si Wembanyama ang early favorite na manalo ng Rookie of the Year sa kanyang mga ave­rages na 19.3 PPG, 9.3 RPG, at 2.2 BPG pero palaban pa rin si Holmgren.

Hindi ako Spurs fan pero nagkaroon ako ng interes sa San Antonio games hindi lang dahil nandito ako sa Texas, malaking factor si Wembanyama.

Ay teka, may Houston Rockets pa pala at tsaka Dallas Mavericks.

Pero isa lang talaga ang nasa puso ko…Laban Gilas! Puso!

vuukle comment

OKLAHOMA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with