^

PM Sports

Sisi masaya sa Flying Titans

Chris Co - Pang-masa
Sisi masaya sa Flying Titans
Sisi Rondina
STAR / File

MANILA, Philippines — Nagbaik sa indoor volleyball si Sisi Rondina.

At Hindi ito nagsisisi na sa Choco Mucho ang sinamahan nitong team.

Sa katunayan, niyakap na nito ang pagiging lider sa Flying Titans upang makatulong sa kampanya ng kanilang tropa sa 2023 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Confe­rence.

Maganda naman ang naging resulta nito matapos umiskor ng dalawang sunod na panalo ang Choco Mucho sa kanilang mga unang laro.

Masaya rin si Rondina sa tiwalang ibinibigay sa kanya ni Flying Titans head coach Dante Alinsunurin at ng kanyang mga teammates.

“I’m happy and overwhelmed to play for coach Dante. I’m still adjusting to coach Dante’s system and I trust his program. I’m just doing what he’s telling me to do,” ani Rondina.

Dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya, todo kayod si Rondina upang makatulong sa Flying Titans.

“I embraced my role as one of the leaders of the team. I’m giving the leadership that coach wants to see. I’m happy to play for a champion coach like him,” dagdag ni Rondina.

Sa kanyang unang laro, nagtala si Rondina ng 14 puntos upang tulungan ang Flying Titans na mapatumba ang Farm Fresh Foxies, 25-14, 25-7, 25-16.

Muling umarangkada si Rondina nang umiskor ito ng 19 puntos para itarak ang 25-19, 25-19, 25-14 panalo sa Foton.

vuukle comment

SISI RONDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with