^

PM Sports

Magnolia tumukod sa Converge

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Magnolia tumukod sa Converge
Nailusot ni Alec Stockton ng Converge ang kanyang tira sa tangkang supalpal ni Calvin Abueva ng Magnolia.
PBA Image

MANILA, Philippines — Halimaw na performance uli ang ipinamalas ni Jamaal Franklin nang buhatin sa 111-109 na tagumpay ang Converge kontra sa Magnolia sa 2022-2023 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Matapos maglista ng muntikang triple-double sa kanyang debut game, nagposte uli ng kumpletong 26 puntos, 13 rebounds at 7 assists na numero si Franklin sahog pa ang 3 supalpal tungo sa solong liderato sa 3-0 kartada ng mainit na FiberXers.

Umakbay sa kanya si Maverick Ahanmisi na may 22 puntos habang may 18 at 14 markers din sina Alec Stockton at Aljun Melecio, para sa balanseng atake ng mga bataan ni coach Aldin Ayo.

Subalit hindi ito naging madali para sa FiberXers na muntikang masayang ang 14 puntos na abante sa second half.

Sa katunayan ay nasa komportableng manibela pa ang Converge, 106-95, sa huling apat na minuto bago akayin ni import Erik McCree ang Magnolia sakay ng 9-0 run na tinuldukan ng kanyang dakdak, 2:27 pa sa laro.

Buti nalang at sumagot ng 5-0 run si Franklin tampok ang pambaong tres para sa 111-105 abante sa huling minuto tungo sa tagumpay.

 

vuukle comment

JAMAAL FRANKLIN

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with