^

PM Sports

Pang-28 gold medal na ni De los Santos

Chris Co - Pang-masa
Pang-28 gold medal na ni De los Santos
Orencio James De Los Santos

MANILA, Philippines — Tuloy ang matikas na ratsada ni World No. 1 Orencio James De Los Santos nang angkinin nito ang ika-28 gintong medalya sa online tournaments matapos pagharian ang Second Algerian Karate E-Tournament.

Patuloy sa pamamayagapag ang Pinoy karateka matapos irehistro ang dikitang 25.34-25.0 panalo laban kay Tahoulit Abdelali ng Algeria sa gold-medal match ng men’s seniors +18 division.

Nanguna si De Los Santos sa Pool 4 nang magtala ito ng 25.14 puntos laban sa pito pang kalahok sa kanyang grupo para umabante sa quarterfinals.

Muling umariba si De Los Santos para ma-ngibabaw sa eight-man quarterfinal round bunsod ng nakuha nitong 24.66 puntos.

Sa semifinals, nagtala si De Los Santos ng 24.74 puntos para maisaayos ang pakikipagtuos kay Abdelali sa championship round.

Inaasahang madaragdagan pa ang koleksiyon ni De Los Santos sa pagsabak nito sa 10 susunod na online tournaments na nakalinya kabilang na ang fifth leg ng Sportsdata E-Tournament World Series.

Matatag ang kapit ni De Los Santos sa No. 1 spot sa world ranking kung saan malayo ito kina No. 2 Domont Matias Moreno ng Switzerland  at Alfredo Bustamante ng Amerika sa taglay na 31,055.

vuukle comment

ORENCIO JAMES DE LOS SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with