^

PM Sports

Pang-26 gold medal na ni De los Santos

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasikwat ni world No. 1 Orencio James De los Santos ang ika-26 gintong medalya nito sa online tournament matapos pagharian ang 2nd Euro Grand Prix eTournament.

Nagawa ito ni De los Santos nang angkinin ang dikitang 24.82-24.62 panalo laban kay world No. 2 Domont Matias Moreno ng Switzerland sa finals ng male individual kata seniors.

Nakapasok sa gold-medal match si De los Santos nang umiskor ng 25.4 puntos sa group stage para talunin sina Roland Hager ng Germany (22.14) at Alfredo Bustamante ng Amerika (24.86).

Naka-entra pa si De Los Santos sa 11 online tournaments.

Tuloy din ang pamamayagpag ni Pinay karateka Fatima Hamsain na nanalo kay Eliska Pokorna ng Czech Republic para angkinin ang  ginto sa female individual kata Under-16 category.

Humirit ng tiket sa finals si Hamsain makaraang nanguna sa group stage tangan ang 23.8 puntos para daigin sina Vachoutiva Babora ng Czech Republic (23.16), Nina Kinazovcikova ng Serbia (23.16) at Michelle Fuda ng Italy (19.52).

Dahil sa tuluy-tuloy na pagpasok ng gintong medalya, hindi matinag si De Los Santos sa No. 1 spot sa online world ranking. Bitbit ang 31,055 points, malayo na ang agwat ng Pinoy karateka sa pumapangalawang si Moreno na may 16,530 points lamang gayundin kay world No. 3 Bustamante na may 13,480 points.

vuukle comment

ORENCIO JAMES DE LOS SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with