Baron bagong PSL Ambassador
MANILA, Philippines — Pinangalanan bilang bagong Philippine Superliga (PSL) Ambassador si F2 Logistics middle blocker Majoy Baron para sa ika-pitong season ng liga kasabay ng pagbubukas noong Sabado sa The Arena sa San Juan City.
Si Baron ang ikaanim na manlalarong napili para katawanin ang liga na unang hinawakan ni Richard Gomez bago ipinasa kay Gretchen Ho noong 2014 at sinundan nina Cha Cruz-Behag, Mika Reyes, Aby Maraño at Rachel Ann Daquis.
“First of all, I would like to thank Philippine Superliga for choosing me as the new ambassadress. You know, PSL has helped me grow as a person and as an athlete, and it’s such an honor,” sabi ni Baron.
Masaya ang six-time PSL Best Middle Blocker awardee na siya ang napisil ng liga para maging ambassador at pipilitin niyang maging inspirasyon sa lahat ng manonood at makapag-ambag sa pag-angat ng kalidad ng volleyball sa bansa.
Dagdag motibasyon din para sa two-time ASEAN Grand Prix Best Middle Blocker ang nasabing katungkulan para maging mabuting halimbawa sa mga kapwa manlalaro.
- Latest