Dalawang Cebu teams pasok sa finals ng SBP twin tourneys
MANILA, Philippines — Magtutuos ang dalawang Cebu teams at koponan mula sa Roxas at Bacolod para sa korona ng SBP at Passerelle divisions sa Visayas Regional Finals ng 34th SBP Passerelle Twin Tournament na suportado ng Milo sa Pototan Astrodome sa Pototan, Iloilo City.
Sa SBP division, tinalo ng nagdedepensang University of the Visayas ng Cebu ang Colegio de la Purisima Concepcion ng Roxas, 42-32, at isinunod ang Hua Siong College ng Iloilo, 53-22.
Nakamit naman ng St. John’s Institute ng Bacolod ang isa pang finals berth matapos biguin ang Purisima, 57-56, at talunin ang Hua Siong College ng Iloilo, 50-47.
Sa Passerelle division, itinakas ng Sacred Heart School-Ateneo de Cebu agh 59-55 panalo kontra sa St. Robert’s International Academy ng Iloilo at sinibak ang University of St. La Salle ng Bacolod, 66-53.
Kinuha ng HERCOR College ang finals seat matapos talunin ang St. Robert’s International Academy, 68-57, at ang University of St. La Salle ng Bacolod, 62-46.
- Latest