^

PM Sports

153 applicants sa PBA D-League Draft

Andrew Dimasalang - Pang-masa
153 applicants sa PBA D-League Draft

MANILA, Philippines — Kabuuang 153 na manlalaro ang lalapit ng isang hakbang mula sa pangarap nilang makapasok sa Philippine Basketball Association (PBA) ngayon sa nakatakdang 2019 PBA Developmental League Annual Rookie Draft sa PBA Office sa Libis, Quezon City.

AMA Online Education ang napiling kumuha ng first overall pick mula sa 153-man rookie pool ng bagong D-League na magsisimula sa Pebrero 14 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ito ay bunsod ng kanilang pagkakulelat sa ikatlong sunod na taon. Magugunitang noong 2016 at 2017 ay sila rin ang nabigyan ng top overall pick na ginamit nila upang sikwatin sina Jeron Teng at Owen Graham, ayon sa pagkakasunod.

Kukuha naman bilang second at third overall ang Batangas-Emilio Aguinaldo College at Centro Escolar University, ayon din sa pagkakasunod.

Matunog na top pick ang rising star ng University of the Philippines (UP) na si Juan Gomez De Liaño kasama ang iba pang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) stars na sina Sean Manganti ng Adamson at Santi Santillan ng La Salle gayundin ang Asean Basketball League (ABL) veteran na si Joshua Munzon.

Kabilang din sa mala-king 153-man rookie class ang iba pang collegiate standouts na sina Kib Montalbo ng La Salle, Dan Wong at Anton Asistio ng Ateneo, Troy Rike ng NU, Jasper Parker ng FEU, Orlan Wamar ng CEU, Jed Mendoza ng JRU, Clint Doliguez ng San Beda at Rey Suerte ng University of Visayas na tinanghal na Most Valuable Player ng Cebu Schools Athletic Foundation Inc. (CESAFI).

Paborito sa paparating na 2019 PBA D-League ang dating kampeon na Go For Gold na siguradong mapapalaban sa top contenders din na Ateneo at San Beda na siyang naghari sa nakalipas na UAAP at NCAA seasons.

Hindi naman pahuhuli ang mga beterano na sa semi-professional league ng bansa tulad ng Wangs Basketball, Marinerong Pilipino, Batangas-EAC, St. Clare, CEU, AMA gayundin ang Che’Lu Bar and Grill. 

vuukle comment

JUAN GOMEZ DE LIAñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with