^

PM Sports

Falcons nilantakan ang Archers

Francisco Cagape - Pang-masa
Falcons nilantakan ang Archers
Sinupalpal ni Vince Mabuhos ng Adamson ang tira ni Andrei Caracut ng La Salle.
PM photo ni Joey Mendoza

Ateneo Blue Eagles dinagit naman ang Tamaraws

MANILA, Philippines — Matibay na depensa ang naging sandata ng Adam­son University pa­­­ra biguin ang De La Salle University, 57-50, ha­­­bang bumawi ang nagdedepensang Ate­neo De Manila Uni­ver­sity kontra sa Far Eas­tern University, 82-62, sa Season 81 UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Sa kanilang mahigpit na depensa ay hindi na­kaiskor ng field goal ang Green Archers para sa lo­west output sa opening period kung saan siyam na puntos lamang ang nagawa ng Falcons para sa 9-2 bentahe.

Umiskor si Justin Bal­tazar sa unang field goal ng La Salle sa 8:39 mi­nuto sa second period, ngu­nit tuluy-tuloy na rin ang dominasyon ng  Adams­on para masungkit ang kanilang unang pa­nalo sa taft-based cagers sa loob ng tatlong taon at bumawi sa kanilang 78-79 overtime loss sa first round noong Oktubre 13.

Sa panalo ng Falcons ay nakasosyo nilang muli sa liderato ang Blue Eagles sa kanilang parehong 7-2 kartada, habang ang Green Archers ay nanati­li sa ikatlong puwesto ka­sama ang Tamaraws sa 5-4 marka.

“We prepared pretty well against La Salle. Everyone was excited to play against them today. I guess what really transpired in this game is our defense. We have showed today that we’re able to control them,” sabi ni coach Franz Pumaren sa kanya ring unang panalo laban sa De La Salle si­mu­la noong 2016.

Hindi nagawa ng Green Archers na resol­ba­hin ang depensa ng Fal­cons kaya umani lamang sila ng mababang 26 percent shooting.

Kagaya sa una nilang pagtatagpo, nagtala si Sean Manganti ng 19 points, 11 rebounds, 4 assists at 2 steals, habang si Papi Sarr ay tumulong ng 12 points, 16 rebounds at 2 assists.

Hindi rin nagpahuli ang Ateneo kahit wala si Thir­dy Ravena dahil sa one-game suspension at ang injured na sina Matt at Mike Nieto, nanatili pa ring solido ang opensa at depensa ng tropa ni coach Tab Baldwin upang angkinin ang  kanilang pang-pitong panalo sa siyam na laro.

Sa kanilang run-and-gun game ay naitala ng Blue Eagles ang 54-33 abante mula sa triple ni Jo­lo Mendoza sa 4:21 mi­nuto sa third period pa­tungo sa pagresbak sa kanilang 60-63 pagkata­lo sa Tamaraws sa first round.

vuukle comment

FALCONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with