^

PM Sports

Valdez, Morado ‘di makakalaro sa PSL

Chris Co - Pang-masa
Valdez, Morado �di makakalaro sa PSL
Alyssa Valdez at Jia Morado

MANILA, Philippines — Hindi makalalaro sina Alyssa Valdez at Jia Morado ng Creamline Cool Smashers sa oras na sumabak ang women’s national volleyball team sa Philippine Superliga Invitational Conference na magsisimula bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Nais ng Cool Smashers na isentro ng dalawang mahusay na manlalaro ang kanilang atensiyon sa kampanya ng tropa sa ginaganap na Premier Volleyball League Reinforced Conference.

Nasa krusyal na estado na ang PVL kung saan umusad sa semifinals ang Cool Smashers kasama ang PayMaya High Flyers.

Hinihintay na lamang ng Cool Smashers at High Flyers ang dalawa pang koponang makakalaban nila sa semis.

At kapag nagsimula na ang PSL, ilang laro ng Cool Smashers ang tatama sa schedule ng national team.

Papalo ang national team bilang guest team sa PSL bilang bahagi ng paghahanda nito sa 2018 Asian Games na idaraos sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Indonesia.

Hindi naman maramot ang Creamline dahil papayagan nilang magsanay sina Valdez at Morado kasama ang national team dito sa Pilipinas.

Sa katunayan, makakasama rin sina Valdez at Morado sa training camp ng national team sa Japan na magsisimula sa Agosto 2.

Pormal nang ipinadala ng Creamline ang sulat nito sa Larong Volleyball sa Pilipinas Inc.

Bukas-palad namang tinanggap ng LVPI ang “win-win” solution na inilatag ng pamunuan ng Cool Smashers.

Magugunitang makailang ulit lumiban si Valdez sa laro ng Creamline noong nakaraang taon para sumama sa national team na sumabak sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nagkasya lamang sa ikatlong puwesto ang Cool Smashers sa Reinforced Conference habang pumangatlo rin ito sa Open Conference.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

JIA MORADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with