^

PM Sports

Pangarap ni Javelona natupad na

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Pangarap ni Javelona natupad na
Pao Javelona

MANILA, Philippines — Natupad na rin sa wakas ang pangarap ni Pao Javelona na makapasok sa Philippine Basketball Association matapos siyang kunin ng Globalport Batang Pier para sa idinaraos na 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay bunsod ng kanyang breakout performance para sa San Miguel Alab Pilipinas na tinulungan niyang manalo ng kampeonato sa katatapos lang na Asean Basketball League.

Nag-ensayo na ang 25-anyos na produkto ng National University kasama ang bagong-bihis din na Batang Pier na patuloy ang pagdagdag ng puwersa sa import-laden conference upang mapanatili ang magandang simula.

Nasa gitna ng standings ngayon ang Batang Pier na nakasakay sa dalawang sunod na tagumpay para sa 2-1 kartada.

Bagama’t kinuha lamang bilang back-up guard sa koponan ng Alab, nagkaroon ng tsansa si Javelona  na ipamalas ang kanyang kakayahan nang mamroblema ang backcourt ng koponan bunsod ng injury ng starting point guard na si Josh Urbiztondo.

Dito lumabas ang galing ni Javelona nang manduhan niya ang opensa ng Alab sa pambihira nitong kampanya bilang third seed hanggang sa pagsilat sa dating kampeon na Hong Kong sa semifinals at pagdaig sa palaban na Mono Vampire sa klasikong five-game Finals series.

Tubong-Bacolod City sa Negros Occidental, magugunitang na-draft na si Javelona noong 2016 ng Phoenix Fuel Masters bilang 16th overall pick ngunit hindi nagkaroon ng tsansang makalaro sa kargadong backcourt position ng koponan hanggang sa mauwi bilang practice player.

Dahil hindi nabigyan ng pagkakataon, sumubok ng kapalaran si Javelona sa PBA Developmental League para sa Marinerong Pilipino bago kunin ng Alab Pilipinas.

Sa ilalim ng batikang point guard na naging coach na si Jimmy Alapag, umusbong ang laro ni Javelona na siyang nagresulta sa kanyang PBA call-up sa wakas.

Sasamahan ni Javelona ang pinabagsik na kampo ng Batang Pier na binabanderahan nina Stanley Pringle, Mo Tautuaa, Sean Anthony gayundin ng solidong import na si Malcolm White.

vuukle comment

PAO JAVELONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with