^

PM Sports

Odom ‘di maganda ang kondisyon matapos matagpuang walang malay

Pang-masa

LAS VEGAS – Naospital si dating NBA at reality TV star Lamar Odom matapos makitang walang malay nitong Martes sa isang bahay-aliwan sa Nevada.

Ang 35-gulang na dating Los Angeles Laker at member-by-marriage ng Kardashian family ay ipinasok sa isang ospital sa Las Vegas nitong Martes ng gabi ngunit ‘di pa alam kung ano ang kanyang kondisyon.

Nakatanggap ng tawag ang Nye County She-riff Department ng alas- 3:15 ng hapon mula sa Love Ranch sa Crystal, Nevada, 70 miles mula sa Las Vegas ay may nag-report na may isang mama na walang malay at kailangan ng ambulansiya, ayon kay Sheriff Sharon A. Wehrly.

Binigyan ng first aide si Odom at dinala sa Desert View Hospital sa kalapit na Pahrump, ayon sa statement.

Ii-airlift sana  ang 6’10 na si Odom para ilipat ng ospital sa Las Vegas ngunit hindi siya kumasya sa helicopter kaya ibiniyahe na lamang siya sakay ng ambulansiya patungong Sunrise Hospital and Medical Center.

Ayon kay Hof, may-ari ng Love Ranch at iba pang legal na bahay-aliwan sa Nevada, sinundo si Odom sa isang bahay sa Las Vegas noong Sabado.

May mga balitang brain-dead na si Odom at hindi maganda ang kanyang kondisyon. May ilang website din ang nag-ulat kagabi na yumao na ito nginit wala pang official announcement as of presstime.

vuukle comment

ANG

AYON

DESERT VIEW HOSPITAL

LAMAR ODOM

LAS VEGAS

LOS ANGELES LAKER

LOVE RANCH

NYE COUNTY SHE

ODOM

SHERIFF SHARON A

SUNRISE HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with