^

PM Sports

Tamaraws, Tigers ayaw bumitaw sa liderato

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napalaban man sa pag­kakataong ito ay sapat pa rin ang ipinakita ng FEU Tamaraws at UST Tigers para manalo sa mga hinarap na laro  sa 78th UAAP men’s basket­ball kagabi sa Smart Araneta Coliseum

May 12 puntos si Mac Belo tampok ang turn-around jumper laban kay Kiefer Ravena ang nagbigay ng momentum sa koponan para tulungan ang Tamaraws sa 66-61 pa­nalo sa Ateneo Eagle.

Ang buslo na ito ay ginawa matapos ang lay-up ni Ravena na nagpadikit sa Blue Eagles sa 57-56.

Tig-10 puntos ang ibi­­­nigay nina Russel Esco­to at Roger Pogoy para sa ikaanim na sunod na panalo ng Tamaraws.

Kumpara sa 64-88 pag­­kadurog sa first round sa Tamaraws, na­kasabay ang Blue Eagles dahil sa magandang ipinakita ni rookie Adrian Wong na umiskor ng career-high na 14 puntos sa first half para sa 32-30 abante ng Ateneo laban sa FEU.

May 15 puntos si Ra­vena para sa Blue Eagles na natalo sa ikalawang su­nod na laro.

Ngunit asahan na magsisikap pa ang Blue Eagles na ikampay ang mga pakpak upang mabigyan ng disenteng pamamaalam ang kanilang coach Bo Perasol ngayong taon.

Nagising naman si Ke­vin Ferrer sa bangungot na panimula sa paghatid ng 11 puntos sa huling yugto upang makabangon ang UST Tigers mula sa 11 puntos pagkakalubog tungo sa 81-79 panalo sa La Salle Archers.

FEU 66 – Belo 12, Ru. Es­coto 10, Pogoy 10, Tolomia 8, Iñigo 7, Tamsi 6, Den­nison 4, Arong 3, Jose 2, Orizu 2, Trinidad 2, Ri. Escoto 0, K. Holmqvist 0.

Ateneo 61 – Ravena 15, Wong 14, Pessumal 8, Gotladera 7, Black 6, Ikeh 6, Babilonia 3, A. Tolentino 2, Apacible 0, Cani 0, Capacio 0, Ma. Nieto 0, V. Tolentino 0.

Quarterscores: 19-19; 30-32; 47-47; 66-61.

UST 81 – Abdul 18, Daquioag 17, Ferrer 15, Vigil 13, Lee 13, Sheriff 3, Bonleon 2, Abdurasad 0, Caunan 0, Faundo 0, Garrido 0, Lao 0, Subdio 0.

La Salle 79 – Teng 16, Ri­vero 13, Torralba 12, Torres 11, Tratter 7, Perkins 6, Sargent 6, Navarro 5, Langston 3.

Quarterscores: 21-22; 37-45; 59-66; 81-79.

vuukle comment

ACIRC

ADRIAN WONG

ANG

ATENEO

ATENEO EAGLE

BLUE EAGLES

BO PERASOL

KIEFER RAVENA

SHY

STRONG

TAMARAWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with