^

PM Sports

Bulldogs nakatikim ng panalo; tatlong sunod sa Blue Eagles

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinapos ng National University Bulldogs ang kanilang losing streak at ang winning run ng UST Tigers sa 55-54 panalo sa 78th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tumapos si Alfred Aroga taglay ang 19 points at 12 rebounds at siya ang nagbigay ng kalama­ngan sa mahirap na fade-away jumper laban kay Karim Abdul.

Nawala ang bola kay Kevin Ferrer sa sumunod na tagpo pero may tsansa pang maagaw ng Tigers ang panalo nang su­mablay si Gelo Alolino sa kanyang dalawang free throws sa huling 3.4 se­gun­do.

It’s so hard when we don’t win but they vowed to come back after the (double overtime) loss to Ateneo. I’m thankful for this win,” ani NU coach Eric Altamirano.

Si Ferrer ay may 14 puntos at 11 boards, si Abdul ay naghatid ng 11 puntos pero ang kanilang top scorer na si Ed Daquioag ay nalimitahan lamang sa 9 puntos.

Nagkaroon ng pagka­ka­taon na maging ba­yani si Daquioag nang makuha ang nawalang bola ni Alolino tungo sa lay-up para itulak ang Tigers sa 54-53.

Napantayan ni Von Pessumal ang kanyang career-best sa pagbuslo sa 3-point line, habang kinapos ng tig-isang rebound at assist si Kiefer Ravena para sa isang triple-double upang pangunahan ang Ateneo Blue Eagles sa 77-72 panalo sa UE Red Warriors sa unang laro.

Tumapos si Pessu­mal taglay ang 6-of-10 shooting sa tres at hindi siya sumablay sa apat na tinira sa 3-point arc sa second period para sa 15 puntos at ang Blue Eagles ay uma­ngat sa 43-33.

Iniwanan ng Ateneo ang UE sa 52-35 mula sa triple ni Pessu­mal.

ATENEO 77 – Pessumal 21, Ravena 15, Gotladera 9, Ikeh 8, Apacible 6, Wong 5, Ma. Nieto 5, Wong 4, Babilonia 4, Black 2, Capacio 2, Cani 0, Pingoy 0, Tolentino 0.

UE 72 – Batiller 19, Javier 17, Abanto 6, Charcos 5, Derige 5, Palma 5, Varilla 5, De Leon 4, Yu 4, Sta. Ana 2, Gagate 0, Gonzales 0, Ma­nalang 0.

Quarterscores: 15-17; 43-33; 63-50; 77-72.

NU 55 – Aroga 19, Alejandro 9, Abatayo 8, Diputado 7, Neypes 6, Alolino 2, Ja­velona 2, Salim 2, Celda 0, Javillonar 0, Lastimosa 0, Tansingco 0.

UST 54 – Ferrer 14, Abdul 11, Daquioag 9, Lao 8, Lee 6, Bonleon 3, Vigil 3, Faundo 0, Huang 0, Sheriff 0, Subido 0.

Quarterscores: 17-17; 33-26; 41-43; 55-54.

vuukle comment

ABDUL

ACIRC

ALFRED AROGA

ALOLINO

ANG

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLES

BLUE EAGLES

DAQUIOAG

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with