^

PM Sports

Lady Eagles pupuntiryahin ang unang semifinals berth

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dagitin ang unang silya sa semifi­nals ang tar­get ng Ate­neo Lady Eagles sa pag­ha­rap sa Arellano Lady Chiefs sa quarterfinals ng Sha­key’s V-League Season 12 Col­legiate Con­fe­rence nga­yon sa The Are­­na sa San Juan City.

May 4-0 baraha ang Ateneo at sila ay sasan­dal muli sa galing ni Alyssa Valdez para ta­lu­nin ang Arellano sa la­rong magsisimula sa alas-3 ng hapon.

Una munang magtu­tuos ay ang UST Tigresses at ang UP Lady Ma­roons sa alas-12:45 ng hapon at pagsisikapan ng Tigresses ang ma­kakalas sa pagkaka­tab­la sa National Uni­ver­sity Lady Bulldogs at FEU Lady Tamaraws sa ikalawang puwesto sa 3-1 baraha.

May 0-4 baraha ang Lady Maroons at asahan na gagawin ang lahat ng makakaya para makatikim ng panalo at panati­ling buhay ang pag­nanais na makausad sa  ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Balik na muli ang tikas ni Valdez na kumana ng 29 puntos sa four-set panalo sa UP sa huling  la­ro.

Nasa unang puwesto muli si Valdez na bitbit ang 104 puntos, kasama ang 82 kills, ngunit hindi niya si­nosolo ang trabaho da­hil nakikitaan din ng hu­say sina Jhoan­na Ma­raguinot, Bea de Leon, Amy Ahomiro at Kim Ge­quillana.

May 2-2 karta ang La­dy Chiefs at nasa ika-limang puwesto at si­na Carmina Aganon, Dan­na Henson at Cristine Joy Rosario ang magda­da­la ng laban.

vuukle comment

ACIRC

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ANG

ARELLANO LADY CHIEFS

CARMINA AGANON

CRISTINE JOY ROSARIO

HOME ULTERA

KIM GE

LADY BULLDOGS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with