^

PM Sports

EAC Spikers pupuwesto na para sa susunod na round

Pang-masa

MANILA, Philippines – Lalapit pa ang Emilio Aguinaldo College Generals at Ateneo Eagles sa hangaring puwesto sa susunod na round sa pagpapatuloy ng Spikers’ Turf Collegiate Conference eliminations sa The Arena sa San Juan City ngayong hapon.

Kalaro ng NCAA champion na Generals ang Mapua Cardinals sa ganap na alauna ng hapon habang ang UAAP titlist na Eagles ay mapapalaban sa UP Maroons dakong alas-5 ng hapon.

Ang FEU Tamaraws at UE Warriors ay mag-uunahan naman sa kanilang unang panalo sa Group A dakong alas-3 ng hapon.

May 2-0 panalo-talo ang Generals upang makasalo ang National University Bulldogs at NCBA Wildcats sa pangunguna  sa Group A.

Pero inaasahang makakakalas sila sa pakikipagsosyo sa liderato lalo pa’t natalo ang Cardinals sa kanilang unang dalawang laro.

Balikatan ang magaganap sa Eagles at Maroons na parehong nagwagi sa kanilang mga unang asignatura.

Ang Eagles ay sasandal sa galing nina reigning MVP Marck Espejo at Ysmael Marasigan ngunit sina Alfred Gerard Valbuena at Julius Evan Raymundo ang mga panapat ng UP. (AT)

vuukle comment

ALFRED GERARD VALBUENA

ANG

ANG EAGLES

ATENEO EAGLES

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

GROUP A

JULIUS EVAN RAYMUNDO

MAPUA CARDINALS

MARCK ESPEJO

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

SAN JUAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with