^

PM Sports

Rain or Shine dinungisan ang Purefoods sa Dipolog

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos ang apat na sunod na arangkada ay natik­man ng nagdedepensang Purefoods ang kanilang kau­na-unahang kabiguan sa 2015 PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos bumalikwas ang Rain or Shine Elasto Painters mula sa 14-point deficit sa se­cond period para sa kanilang inspiradong 78-71 panalo kontra sa Hotshots kagabi sa Dipolog Sports Center sa Dipolog City.

Nagsalpak si combo guard Paul Lee ng 18 points kasunod ang tig-12 nina import Rick Jackson at Jeff Chan at 10 ni Beau Belga, kumonekta ng isang three-point shot sa huling dalawang minuto ng fourth quarter, para sa Rain or Shine.

Kinuha ng Purefoods ang 38-24 kalamangan sa 3:58 minuto ng second period mula sa split ni Alex Mal­lari.

Tumikada naman ang Rain or Shine ng 22 points sa kabuuan ng third quarter para agawin ang 60-53.

Ang basket ni Jackson ang naglayo sa Elasto Pain­ters sa 75-64 sa huling 3:28 minuto ng final canto.

Umiskor si import Daniel Orton ng 23 points para banderahan ang Hotshots kasunod ang 11 ni Mark Bar­roca, habang nalimitahan si two-time PBA Most Valuable Player James Yap sa 2 markers.

Samantala, hangad ng Meralco ang kanilang pang-limang sunod na panalo sa pakikipagtuos sa Globalport ngayong alas-3 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Laban sa Bolts, ipaparada ng Batang Pier ang ba­gong import na si Calvin Warner na siyang pumalit kay CJ Leslie.

Magtatagpo naman ang Barangay Ginebra, nasa isang two-game winning run matapos ang 0-2 pani­mula, at ang Talk ‘N Text sa alas-5:15 ng hapon.

Nanggaling ang Gin Kings sa 95-82 panalo laban sa San Miguel Beermen at sa 100-92 paggiba sa Kia.

“Sana magtuluy-tuloy. Hindi ko maintindihan ang mentality eh. Parang de-susi,” ani head coach Ato Agustin sa kanyang Ginebra.

Inaasahan namang pormal na ihahayag ni Chito Sa­lud ang kanyang pagbibitiw bilang PBA Commissioner matapos ang Meralco-Globalport game.

Ilan sa mga sinasabing maaaring humalili kay Sa­lud matapos ang 40th PBA season ay sina da­ting GMA 7 top official Bobby Barreiro, dating PBA pla­yer at UAAP Commissioner Chito Loyzaga, dating PBA coach at UAAP Commissioner Chito Narvasa at Ariel Magno, dating alternate governor sa PBA Board ng Sta. Lucia.

RAIN OR SHINE 78 – Lee 18, Chan 12, Jackson 12, Belga 10, Norwood 7, Tiu 6, Araña 6, Uyloan 3, Tang 2, Quiñahan 2, Almazan 0, Cruz 0.

Purefoods 71 – Orton 23, Barroca 11, Maliksi 9, Mal­lari 7, Devance 6, Melton 6, Pingris 4, Pennisi 3, Yap 1, Taha 1, Reavis 0.

Quarterscores: 18-20; 38-40; 60-53; 78-71.

vuukle comment

ALEX MAL

ARIEL MAGNO

ATO AGUSTIN

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

BEAU BELGA

PUREFOODS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with