^

PM Sports

Orcollo sasabak sa 8-Ball Masters

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pag­kakataon si Dennis Orcollo na bigyan ng magandang pani­mula ang Pilipinas sa bilyar sa pag­lahok niya sa 2015 Joy Cup World Chinese 8-Ball Masters sa Qinhuangdao, China.

Ang kompetisyon ay gagawin sa Enero 5-8 at ang tatanghaling kampeon ay magbubulsa ng $48,400.00.

Si Orcollo ay sasali sa unang pagkakataon at isa sa 12 dayuhan na ma­kakalaban ang 12 Chi­nese cue-artists.

Pinalawig ang bilang ng mga kalahok sa edis­yong ito dahil noong 2014 ay nasa tig-walong da­yuhan at Chinese pla­yers ang naglaban.

Ang magdedepensa ng titulo ay si Gareth Potts ng Great Britain, habang ang iba pang fo­reign players ay sina Ralf Souquet ng Germany, Earl Strickland ng USA, Alex Pagula­yan ng Canada, Naoyuki Ooi ng Japan, Stephen Hendry ng Scotland, Anna Mazhirina ng Rus­sia, Daryl Peach, Dar­ren Appleton, Karl Boyes at Chris Melling ng Great Britain.

Babandera sa hanay ng mga Chinese players si  Shi Hanqing na pu­mangalawa kay Potts sa huling edisyon. (ATan)

 

 

vuukle comment

ALEX PAGULA

ANNA MAZHIRINA

BALL MASTERS

CHRIS MELLING

DARYL PEACH

DENNIS ORCOLLO

EARL STRICKLAND

GREAT BRITAIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with