^

PM Sports

Baste tambak sa Mapua

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ayaw paawat ng Mapua University sa panggugulpi matapos nilang tambakan ang San Sebastian College-Recoletos, 71-43, kagabi sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa Playtime FilOil sa San Juan.

Kinapitan ng Cardinals sa opensa sina Marc Cuenco at Yam Concepcion upang tulungan ang koponan na sikwatin ang six-game winning streak at ilista ang 6-3 karta.

Tumikada si Cuenco ng 25 points at tatlong steals habang double-double na 11 puntos, 10 boards at tatlong steals ang inambag ni Concepcion.

“Palaging ipinapaalala sa amin ni coach Chito (Victolero) na ang pinaka importanteng game ay yung present, so tine-take lang namin na one game at a time,” sabi ni Cuenco.

Ipinaramdam agad ni Concepcion ang kanyang lakas upang akbayan ang Cardinals sa pagsilo ng eight-point lead, 22-14 sa pagtatapos ng first quarter kung saan ay nakapagtala agad ito ng siyam na puntos, tatlong assists at dalawang steals.

Hindi nagbago ang laro ng Mapua sa second quarter kaya nagpatuloy ang pamamayagpag nila sa unahan, 33-24 sa halftime.

Samantala, naitakas ng defending champion San Beda University ang mahirap na 89-86 panalo kontra Emilio Aguinaldo College sa unang laro.

 Binigo ng Red Lions ang pagtatangka ng Ge­nerals na makasilat upang makuha ang importanteng panalo at ilista ang 6-3 record sa Group A.

“Sabi ni coach Yuri (Escueta), we were too soft. Kailangan namin ng konting tapang at konting diin pa sa second half,” paliwanang ni Aldous Torculas na tumikada ng 19 points, seven rebounds, four assists at two steals.

Impresibo rin ang inilaro ni JC Bonzalida para sa San Beda, nagtala ito ng 12 markers at walong rebounds habang 11 ang inambag ni Jimmy Reyes.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with