^

PM Sports

Hindi lang mga kabayo kungdi pati mga hinete ang magbibida

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi lamang ang mga mahuhusay na kabayo ang pupukaw ng atensyon sa malalaking karerang paglalabanan sa Linggo kungdi maging ang mga hinete.

Ang Metro Turf Club sa Malvar, Batangas ang siyang pagdarausang pista ng anim na mala­laking races, tampok ang tatlong stakes races na sinahugan ng P1.5 milyong gantimpala.

Ang mga ito ay ang PCSO Anniversary Cup sa 1,600-metro distansya, ang Philracom Sampaguita Stakes Race sa 1,800-metro distansya at Don Juan Derby sa 2,000-metro karera.

Sa tatlong major races na ito ay makikita ang pagtutuos ng mga premyadong hinete sa pangunguna nina Jonathan Hernandez at Jessie Guce na siya ring mga nasa unang dalawang puwesto sa tagisan para sa Jockey of the Year.

Si Hernandez na pumapangalawa kay Guce sa nasabing para­ngal ang gagabay sa Hagdang Bato at Malaya sa PCSO at Philracom sponsored races at inaasahang patok na mananalo at ha­hablutin ang P900,000.00 unang gantimpala.

Ngunit handang manilat si Guce na inaasa­hang sasakyan ang Pugad Lawin sa PCSO race at siyang didiskarte sa Marinx na inaasahang palaban sa Don Juan Derby.

Ang panlaban ni Hernandez sa Derby ay ang Guel Mi.

Magkakaroon pa ng tatlong stakes races na Klub Don Juan Juvenile Fillies at Colts at Don Antonio Floirendo Sr. Golden Girls na sinangkapan ng tig-P500,000.00 gantimpala at ang mananalo ay mag-uuwi ng P300,000.00 premyo.

Ginugunita sa taong ito ang ika-13th anibersaryo ng pagkakatatag ng Don Juan de Manila at ang selebrasyon ay magsisimula ngayon sa paglalatag ng 13 Trophy races at magbibigay ng dagdag premyo sa mana­nalo para matiyak na palaban ang mga kasa­ling kabayo. (AT)

 

vuukle comment

ANG METRO TURF CLUB

ANNIVERSARY CUP

DON ANTONIO FLOIRENDO SR. GOLDEN GIRLS

DON JUAN

DON JUAN DERBY

GUCE

GUEL MI

HAGDANG BATO

JESSIE GUCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with