^

PM Sports

Unang tiket sa Final Four sasagpangin ng Red Lions

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang unang upuan sa Final Four ang tatargetin ng four-time defending champions na San Beda College, habang mag­papatatag naman ang Are­llano University sa second round sa pagpapatuloy ng 90th NCAA men’s basketball tournament nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

Haharapin ng San Be­da ang Lyceum sa unang la­ro sa alas-2 ng hapon, ha­bang sasagupain ng Arel­lano ang Emilio Agui­­naldo College sa alas-4 ng hapon.

Nagsosolo sa itaas ang Red Lions sa kanilang 12-2 baraha at paborito si­la sa Pirates na kanilang ti­nalo noong Hulyo 9, 84-68.

Pero hindi dapat magpabaya ang tropa ni coach Boyet Fernandez dahil ang Pirates ay nanga­nga­ilangan na manalo pa­ra ma­natiling buhay pa ang kanilang paghahabol ng upuan sa Final Four.

Sa 6-8 karta at kasalo ang Letran Knights, dapat na walisin ng Pirates ang na­lalabing apat nilang la­ro para gumanda ang ka­nilang pag-asang ma­ka­kuha ng playoff.

Galing sa 91-75 pana­lo ang tropa ni head coach Bonnie Tan kontra sa Ge­nerals sa huling laro na puwede nilang sandalan para sa mahalagang kumpiyansa sa larong ito.

“Mahirap pero may chance pa. We just have to give our best,” wika ni Tan sa kanilang pagharap sa San Beda.

Pigilan si Nigerian import Ola Adeogun ang una sa kanilang listahan para magkaroon ng tsansang talunin ang Red Lions na balak kunin ang ikaanim na sunod na panalo.

Wala namang nakikitang problema sa hangarin ng Chiefs na lumapit sa isang hakbang patungo sa playoff dahil ang Gene­rals ay may limang sunod na kabiguan para tuluyan nang maalis sa tagisan sa Fi­nal Four. (ATan)

vuukle comment

BONNIE TAN

BOYET FERNANDEZ

EMILIO AGUI

FINAL FOUR

LETRAN KNIGHTS

OLA ADEOGUN

RED LIONS

SAN BE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with