^

PM Sports

Red Warriors, Bulldogs nagsosyo sa liderato ng 77th UAAP season

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakita pa rin ang pressure defense ng host University of the East Red Warriors para putulin ang pakpak ng Adamson University Falcons, 99-72, ha­bang nangibabaw din ang  National University Bulldogs sa University of the Philippines Maroons, 70-59, sa 77th UAAP men’s basketball kagabi sa Smart Araneta Colise­um.

Hindi pinapuntos ng Red Warriors ang Falcons sa pagbubukas ng ikatlong yugto, habang sina Charles Mammie  at Roi Sumang ang nanguna sa 12 sunod na puntos upang tabunan ng bataan ni coach Derrick Pumaren ang 39-40 iskor ay naging 51-40 bentahe.

Tumapos si Sumang sa third quarter na bitbit ang 10 puntos at na-outscore ng host school ang Adamson, 30-12.

Si Pedrito Galanza ay may 16 puntos, habang si Sumang ay naghatid ng 15 at si Gino Jumao-as ay may 12 para sa magandang panimula ng Red Warriors kasabay ng pag­papalasap ng ikalawang sunod na pagkatalo ng Fal­cons.

Nakitaan din ng ki­nang ang mga starters ng NU na sina Angelo Alolino, Jeth Rosario at Alfred Aroga para saluhan ang UE sa unang puwesto.

May 20 puntos si Alo­lino, si Rosario ay naghatid ng 17 at si Aroga ay may 16  puntos at ang tatlong nabanggit ay nagsanib sa 23-of-40 fieldgoal shoo­ting.

Tumapos ang Bulldogs tangan ang 46% shooting pero ang nagsilbing puwersa ng koponan ay ang rebounding nang du­rugin ang Fighting Ma­­roons, 51-27, at bale­walain ang 21 errors.

Sina Dave Moralde at Rey Gallarza ay may 15 at 10 puntos para sa 0-2 baraha ng UP.

Target naman ng Ateneo ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa nagdedepensang La Salle nga­yong alas-11 ng umaga sa Big Dome.

NU 70 — Alolino 20, Ro­sario 17, Aroga 16, Kho­buntin 6, Perez 3, Alejandro 2, Neypes 2, Atangan 2, Diputado 2, Javelona 0, Celda 0.

UP 59 — Moralde 15, Gallarza 10, Reyes 8, Lao 8, Dario 6, Gingerich 5, Vito 4, Juruena 2, Asilum 1, Harris 0.

Quarterscores: 18-19; 37-33; 57-44; 70-59.

UE 99 – Galanza 16, Su­mang 15, Jumao-as 12, Alberto 9, Javier 9, Varilla 9, De Leon 8, Mammie 6, Arafat 6, Cudal 4, Olayon 3, Charcos 2, Derige 0, Hernandez 0.

Adamson 72 – Polican 16, Trollano 14, Rios 13, Iñigo 10, Villanueva 8, Ped­rosa 5, Monteclaro 3, Nalos 3, Aquino 0, Barrera 0, Baytan 0, Butron 0, Gumtang 0, Ochea 0.

Quarterscores: 20-25; 40-39; 69-52; 99-72.

 

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON UNIVERSITY FALCONS

ALFRED AROGA

ANGELO ALOLINO

AROGA

BIG DOME

CHARLES MAMMIE

RED WARRIORS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with